ba•lik•su•wá 1: paligsahan sa paglundag ng isang mataas , na bára sa pamamagitan ng isang tikín na nagdudulot ng dagdag na taas sa paglundag 2: sumunggab ng tikin at kumilos paitaas
ba•li•kus•kós : uri ng sinaunang sayaw ng mga Tagalog, at pagsayaw alinsunod sa kanilang paraan ng pagsayaw nitó
ba•lí•la 1: isdâng-espáda 2: isang maliit at manipis na tabla na ginagamit sa paghahabi 3: mahabàng kahoy na pinapasan at kinakabitan ng anumang mabigat na bagay 4: kaputol na kahoy na parang batutà