ba•li•ngán 1: isang piraso ng patpat na itinalì sa dúlo ng silò para maging hawakán; talìng panghila 2: tao na laging hinihingan ng tulong
ba•li•ngá•say : maliit hanggang malaki-laking punong-kahoy (Buchanania arborescens) na 10 m ang taas, , payak ang dahon na nakaayos nang kumpol, may mga maliit na bulaklak na putî, katutubò sa Filipinas, at nakukunan ng tabla
bá•ling•bá•ling 1: súkat sa isang taníman na katumbas ng isang dipa sa isang parisukat 2: paggalaw ng buntot ng ibon hábang ito ay lumilipad 3: paglinlang sa ibang tao 4: pagkakalat ng mga usapin