ba•lim•bíng 1: punongkahoy (Averrhoa carambola) na may bungang tatsulok ang limáng gilid 2: buhok na tumutubò nang makapal sa gilid ng mukha hanggang sa sentido
ba•lin•dáng 1: magaspang na pagkakahabi ng tela 2: korea ng mákiná 3: hose ng tubig 4: makapal na kumot na gawâ sa Ilocos
bá•ling 1: pagpihit ng ulo 2: pagliko sa pahalang na daan kung naglalakad 3: pag-uukol ng tingin sa kabilâ o magkabilâng panig ng pook na kinatatayuan ng sinuman o anuman 4: pagbibigay ng pansin sa ibang bagay 5: pag-uukol ng panayam o salita sa isang tao 6: uri ng lambat sa pangingisda 7: paglinlang o pagpapaniwala sa isang tao 8: pagtagilid ng bangka kapag inalisan ito ng timon