ba•lin•tu•wáng 1: pagtataas ng kahoy gamit ang dalawang kamay 2: paghawak ng mahabàng tikin sa gitna at binabalanse ang magkabilâng dulo
bá•lis 1: pagsusugal upang bawiin ang natálo 2: paulit-ulit na haplos sa tagiliran 3: sakít ng tiyan dahil sa paglanghap ng masamâng amóy 4: nakauslíng titi ng áso o anumang laláking hayop 5: pagtatagumpay sa isang labanán o muling pagtálo sa kalaban
ba•lí•sa 1: pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan; karaniwang dahil sa isang nalalapit na pangyayari o hindi matiyak na kahihinatnan 2: lunggating gawin ang isang bagay dahil sa pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan 3: isang pinsala sa nerbiyos na nagdudulot ng labis na kabá at labis na hindi mapalagay, at karaniwang may kasanib na pabigla-biglang sindak 4: pagmamadali na may magulong iniisip
ba•li•sá•han : pook sa dagat o ilog na karaniwang pinagtutulusan ng talian ng bangka upang hindi ito tangayin ng anuman patúngo sa laot