ba•lín•sa•sa•yáw : maliit na ibon (genus Collocalia) na mahabà at patulis ang pakpak kayâ nakalilipad nang mabilis, namu-mugad sa matatarik na batuhan, yungib, o dalisdis, at may uri na ang pugad ay tinitipon at ginagawâng nido
ba•lin•su•sô 1: kulot ng buhok 2: nakabilot na dahon ng buyo na may basâng apog at piraso ng isang uri ng nuwes sa loob na nginangata
ba•lin•ta•táw : ang lumalaki at lumiliit na bukásan ng inla ng mata at dinaraanan ng liwanag túngo sa retina
Ba•lin•ta•wák 1: isa sa mga pook na sinasabing pinangyarihan ng Unang Sigaw 2: pook na katatagpuan ng kaunaunahang Cloverleaf sa Filipinas
ba•lin•ti•yák : tinig ng pandiwa na naglalarawan sa paksâ bílang tagatanggap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa
ba•lin•tóng 1: pagbaligtad hábang nása eyre, o kayâ’y dahil sa pagkakadulas 2: kahawig ng reptil (Paramanis eulionensis) na may mala-baluting kaliskis at walang ngipin, at matatagpuan lámang sa Palawan
ba•lin•tu•nà 1: magbalatkayo o magsinungaling, hal manghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng kasinungalingan 2: ipagbawal ang pag-iisip
ba•lin•tu•nà 1: pahayag na lumalabag sa umiiral na paniniwala 2: pahayag o pangyayari na kakatwa sa unang malas ngunit maaaring totoo 3: pahayag na sumasalungat sa sarili