ban•do•lé•ra 1: asawa ng bandido 2: babaeng bandolero 3: sinturon na isinusuot sa ibabaw ng balikat pahalang sa dibdib, may maliliit na silò o bulsa upang paglagyan ng punglo at iba pang maliliit na bagay
ban•do•lé•ro : laláking magnanakaw o mamamatay-tao, karaniwang kasapi ng isang pangkat, ban•do•lé•ra kung babae
ban•do•lín : instrumento na may 8-12 kuwerdas na metál, karaniwang pinagpares-pares at may malalim at bilóg na sound box