ban•bán 1: damo na nilalapat ang katawan at ginagawâng basket, baklad, o panutos ng pawid 2: bambáki1 3: takumbô
band 1: bánda 2: iba-ibang kulay o materyales na nakaguhit sa isang bagay 3: saklaw ng dalasan o habang-alon ng isang spectrum
bán•da 1: pangkat ng musikero 2: pangkat ng tao, hayop, at iba pa 3: organisadong pangkat ng mga taong may iisang layunin 4: makitid at malapad-lapad na pandekorasyong sintas o laso na isinusuot nang paalampay sa balikat o paikot sa baywang
ban•dá•na : parisukat, tatsulok o mahabà at makitid na tela na inilalagay sa leeg, sa balikat o itinatalì sa ulo bílang pananggalang sa init at lamig o bílang palamuti