ban•dé•ha : malanday at malapad na kasang-kapang yari sa losa, tabla, plastik, o metal na ginagamit sa pagdadalá ng mga baso at katulad
ban•dé•ra es•pan•yó•la : haláman (Canna indica) na may malalakíng dahong lungti at bulaklak na karaniwang kulay pulá at dilaw, katutubò sa Gitnang Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
ban•dí•do 1: táong lumabag sa batas dahil sa pagnanakaw, pandarambong, o pagpatay, lalo na sa paraang nakahihiya o walang-awa 2: tao na mapagsamantala sa iba, karaniwang sa pagpapatubò at pagkolekta ng sobrang bayad o patubò