chinese bamboo (tsáy•nis bám•bu) : payát at maliit na kawayan (Bambusa glausescens) na madahon, katutubò sa Indotsina
chinese magnolia (tsáy•nis mag•nól•ya) : palumpong (Magnolia coco) na 3 m ang taas, may da-hong eliptiko, makintab, at madilim na lungtian, at may bulaklak na putî, mabango, at anim ang talulot, katutubo sa Tsina
chip (tsip) 1: maliit na piraso ng tabla 2: maliit at manipis na hiwa ng pagkain o kendi 3: maliit at bilóg na disk 4: pitsa1
chloride (klór•ayd) 1: salt ng hydrochloric acid na binu-buo ng dalawang element, chlorine bílang sodium chloride NaCl ang isa 2: compound na may chlorine bílang methyl chloride, CH3Cl
chlorine (klor•ín) : element na halogen na ginagamit sa pagdalisay ng tubig (atomic number 17, symbol Cl)
chlorite (klór•ayt) 1: pangkat ng mineral, hydrous silicate ng aluminum, ferrous iron, at mag-nesium na makikíta sa lungtian at tíla platong kristal 2: salt ng chlorous acid bílang potassium chlorite KClO2