chenopod (ké•no•pód) : anumang halaman (family Cheno-podiaceae) tulad ng espinaka at ibang karaniwang damo
chest (tsest) 1: bahagi ng katawan mulang leeg hanggang tiyan 2: kahon na karaniwang malaki at pinagtataguan ng mga mahalagang dokumento 3: pook na pinag-tataguan ng pondo ng institusyong pampubliko o pangkawanggawa
chewing gum (tsúw•ing gám) : nginunguyang pagkain na gawa sa chicle, pinatamis, at tinimplahan ng pampalasa
chicken salad (tsík•en sá•lad) : pagkaing binubuo ng hini-may na lamán ng manok, mayonesa, hiniwang patatas, carrot, at iba pang gulay, at karaniwang inihahain nang malamig
chicle (tsí•kel, tsík•li) : dagta mula sa magátas na katas ng punòng sapodilya, pangunahing ginagamit sa paggawa ng chewing gum