- calisthenics (ka•lis•té•niks)png | [ Ing ]:magaan na ehersisyong nakapagpa-pasigla at nakapagpapalusog sa kalamnan at katawan
- call (kol)pnd | [ Ing ]1:tumawag o tawagin2:mag-anyaya o anyayahan3:tumawag ng pansin4:tawagan sa telepono5:tanggapin, halimbawa ang isang hámon
- calla lily (ká•la lí•li)png | Bot | [ Ing ]:yerba (Zantedeschia aethiopica) na may makapal na risoma, may tangkay na 1 m ang habà na nagdadalá sa hugis embudo at maputîng bulaklak
- call center (kol sén•ter)png | [ Ing ]:isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer na nangangailangan ng impormasyon o dumudulog sa reklamo hinggil sa isang produkto o serbisyo ng isang kompanyang multinasyonal.
- callous (ká•lus)png | Med | [ Ing ]:varyant ng callus
- callus (ká•lus)png | Med | [ Ing ]:kályo
- calorimeter (kál•o•rim•i•tér)png | [ Ing ]:aparatong sumusukat sa kantidad ng init lalo na ng calorie
- calypso (ka•líp•su)png | Mus | [ Ing ]1:uri ng musikang West Indies na may sabáyang ritmong Afrikano2:awit o sayaw sa estilong ito