- caffeine (ka•féyn)png | Kem | [ Ing ]:maputî, kristalina, at mapaklang alkaloyd C8H10N4O2 na nakukuha sa kape at tsaa.
- Cagayan (ka•ga•yán)png | Heg:lalawigan sa hilaga ng Filipinas, Rehiyon II
- Cagayan de Oro (ka•ga•yán de ó•ro)png | Heg:lungsod sa Misamis Oriental at kabesera ng lalawigan
- caida (ka•í•da)png | [ Esp ]1:pagkalaglag o pagkadapa2:sa bahay-na-bato, ang espasyo sa pagitan ng hagdan at sala, ginagamit bílang antesala
- Cain (ka•ín)png | [ Esp ]:sa Bibliya, panganay na anak ni Adan at pumatay sa kapatid na si Abel
- calabash (kál•a•básh)png | Bot | [ Ing ]:punongkahoy (Crescentia cujete), laging-lungti ang dahon, namumunga, at matatagpuan sa tropikong Amerika
- caladium (ka•léy•di•yúm)png | Bot | [ Ing ]:korason de-marya
- calamares (ka•la•má•res)png | [ Esp calamar+es ]:isang uri ng pagluluto ng pusit.
- calamine (kál•a•máyn)png | [ Ing ]:kulay pink na pulbos mula sa pinaghalong zinc carbonate at ferric oxide at ginagamit na ungguwento
- calando (ka•lán•do)pnr | Mus | [ Ing ]:marahan at mabagal na tugtog
- Calapan (ka•la•pán)png | Heg:kabesera ng Oriental Mindoro
- Calbayog (kal•bá•yog)png | Heg:lungsod sa Western Samar