- cadena (ka•dé•na)png | Bat Kas | [ Esp ]:sa panahon ng mga Espanyol, takdang panahon ng pagkakakulong na lagpas sampung taon.
- cadenza (ka•dén•za)png | Mus | [ Ita ]:masalimuot at mahirap na bahagi para sa solong tinig o instrumento, karaniwang nása dulo ng isang aria o pangunahing bahagi ng isang sonata o iba pang mahabàng komposisyon.
- cadette (key•dét)png | Mil | [ Ing ]:kadeteng babae
- Cadiz (ká•dis)png | Heg:lungsod sa Negros Occidental
- cadmium (kád•myum)png | Kem | [ Ing ]:metalikong element na kulay pilak (atomic number 48, symbol Cd)
- caesar (sí•zar)png | Pol | [ Ing ]1:titulo ng Romanong emperador2:isang awtokrata
- caesarian (si•zár•yan)pnr | [ Ing ]1:patungkol kay Caesar2:nanganak sa pamamagitan ng operasyon
- caesar’s salad (sí•zars sá•lad)png | [ Ing ]:salad na nilahukan ng letsugas, langis ng oliba, katas ng lemon, nilagang itlog, at pampalasa
- caesium (sí•syum)png | Kem | [ Ing ]:metalikong element na malambot, reaktibo, at kulay pilak (atomic number 55, symbol Cs).