convenient (kon•vín•yent) 1: tumatamang mabuti sa pangangailangan, gawain, o plano ng isang tao 2: nangangailangan lamang ng kaunting sikap at hirap 3: nagaganap sa isang lugar o panahon na mainam gamitin
convert (kon•vért) 1: baguhin o magbago ng anyo, katangian, o gamit 2: baguhin o magbago ng pananalig, palagay, lapian, at katulad 3: palitán ng katumbas 4: magtalâ ng puntos
convertion (kon•vér•syon) 1: pagbabalik-loob, lalo na sa pananalig o relihiyon 2: pagpapalit sa katumbas 3: transpormasyón 4: pagtalâ ng puntos
convoy (kón•voy) : pangkatang paglalakbay sa dagat, lupa, o himpapawid ng isang pangkat ng magkakasunod na mga sasakyan at may kasámang tagapagtanggol