cookie (kú•ki) 1: biskuwit 2: impormasyong ipina-padalá ng isang web server at itinatago sa isang web browser upang mabásang muli sa nasabing browser
coordinate (ko•ór•di•néyt) : kantidad, sukat, at lawak na nagtatakda ng posisyon ng isang point, guhit, o katulad
copaiba (ku•péy•ba) : oleo-resin na makukuha mula sa tropikong punongkahoy (genus Copaifera) sa Timog Amerika at sangkap sa paggawa ng barnis at pantunaw ng pintura
copper (ká•per) 1: malambot, mahuhubog, at metali-kong element na maaaring gawing konduktor ng elektrisidad (atomic number 29, symbol Cu) 2: tansô
copy (kóp•i) 1: kopya 2: anumang isinulat o iginuhit upang ilathala sa pahayagan, magasin, o katulad 3: paksa ng lathalain, aklat, o balita