corpus (kór•pus) 1: lawas ng mga sulatín na iisa ang uri o tungkol sa iisang paksa 2: pangunahing bahagi o katawan ng hayop
corpuscle (kor•pó•sel) 1: maliit at buháy na selula, lalo na ang ganitong pulá at putî sa dugo 2: maliit na lawas na nabubuong tanging bahagi ng organismo 3: pangunahing particle ng matter gaya ng elektron, proton, o atom
corregidor (ko•ré•hi•dór) : noong panahon ng mga Espanyol, ang administrador ng militar sa corregimiento
Corregidor (ko•ré•hi•dór) : pulo sa bukana ng Look Maynila at ginamit na kuta ng panghuling pagtatanggol laban sa salakay ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig