corsage (kor•sáds) : maliit na pumpon ng bulaklak na ikinakabit sa baywang, balikat, o galáng-galangán
corundum (ko•rún•dum) : karaniwang mineral na aluminum oxide, Al2O3, kilalá sa matigas na katangian nito
Cotabato Cordillera (ko•ta•bá•to kor•dil•yé•ra) : walang patid na bulubunduking may habàng 200 km mula bunganga ng Ilog Mindanao sa hilaga hanggang Sarangani Bay sa kanluran
cottage (kót•ids) 1: maliit na bahay, karaniwang isang palapag lámang 2: maliit na bahay sa resort o bundok