cursor (kér•ser) : marka na tíla ilaw na kumukurap sa iskrin at nagpapakíta kung saan maipa-pasok ang titik, numero, o simbolo
curtain call (kúr•teyn kol) : ang pagbabâ at pagtaas ng kortina sa entablado sa simula at wakas ng pagtatanghal
custodia (kus•tód•ya) 1: sagradong sisidlan na ginagamit sa pagtatanghal ng ostiya 2: bahay-dálanginán o simbahan
customs (kós•toms) 1: buwis na kinokolekta o ipinapataw ng , isang bansa sa produktong iniluluwas sa ibang bansa at ipinapasok sa loob ng bansa 2: ahensiya, establisimyento, o proseso ng pangongolekta nito
cut (kat) 1: pútol 2: súgat o hiwa sa balát 3: pagbabâ ng presyo, sahod, at iba pa 4: pagputol sa anumang bahagi ng pelikula, dula, at aklat 5: nakasasakít na salita o kilos 6: komisyón o kíta 7: piraso ng karne 8: estilo ng buhok 9: pagharang sa daraanan