cyanide (sá•ya•náyd) : a isang nitrile, tulad ng methyl cyanide, C2H3N , , b salt ng hydrocyanic acid, gaya ng potassium cyanide, KCN
cybernetics (say•ber•né•tiks) : agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapuwa sa mákiná at buháy na nilaláng
cyberspace (sáy•ber is•péys) : ang likhang-isip na kaligirang ginaganapan ng elektronikong komunikasyon
cyborg (sáy•berg) : tao na higit ang taglay na pisikal na kakayahan sa tulong ng mákináng panteknolohiya
Cyclops (sáy•klops) : kasapi ng lahi ng mga mararahas na higanteng may iisang mata at namumuhay bílang mga pastol
Czechoslovakia (tse•kos•lo•vák•ya) : dáting bansa sa gitnang Europa noong 1918–1992 at ngayo’y nahahati sa Czech Republic at Slovakia