• di•là
    png | [ Bik Hil Kap Mag Mrw Seb Tag Tau War ]
    1:
    organ sa loob ng bibig na ginagamit sa paglasa, pagkain, at paglunok, at sa tao, pagsa-salita
    2:
    partikular na wika
    3:
    paraan o kakayahan sa pagsasalita
    4:
    anu-mang bagay na kahawig ng dila sa hugis, pagkakalagay, o tungkulin, hal dila ng sapatos
    5:
    bagay na nagpapatunog sa ilang instrumentong pangmusika
  • di•lá•di•lá
    png
    1:
    [ST] pandidilà o paggamit ng dilà
    2:
    [ST] mga senyas
    3:
    [Ilk] dílambáka
  • di•là•di•là
    png | Bot
    1:
    pakông anuwáng
    3:
    [Hil Tag] ilahas na damo (Pseudoelephantopus spicatus) na tuwid ang mga sanga at kumpol ang mga bulaklak
  • di•lág
    png
    1:
    [Hil Tag] gandang may ningning
    2:
    [Hil Tag] magandang babae
    3:
    [ST] mga batik na ang putî sa talukab ng pagong
  • di•lá•hu
    png | [ Sub ]
    :
    blusang panlaláki
  • di•lá•kit
    pnd | [ ST ]
    :
    madilaan ng apoy ang anumang malapit dito
  • dí•lam
    png | [ Tau ]
  • dí•lam•bá•ka
    png | Bot | [ dilà+ng+báka ]
    :
    uri ng kaktus (Nopalea cochenillifera), tumataas nang 2 m, sapad, pabilog, matingkad na lungti, at makislap ang mga tangkay, malaki ang bulaklak na kulat pink, katutubò sa Timog Ame-rika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
  • di•lám•bong
    png | [ Hil ]
    1:
    sagisag ng kataas-taasang pag-iisip at damdamin
    2:
    pagpapahayag sa pamamagitan ng kapuri-puring salita
    3:
    tula; mula sa “dila nga maambong” o magandang wika
  • di•lám•bu•ti•kî
    png | Bot | [ dilà+ng+ butiki ]
    :
    ilahas na damo (Dantella repens), biluhabâ ang dahon, at putî ang bulaklak
  • di•lám•bu•wá•ya
    png | Bot | [ Bik Tag dila+ng+buwaya ]
  • di•lá•mo
    png | Bot | [ ST ]
    :
    uri ng damong ilahas na nakapagpapakatí ng balát
  • dí•lan
    pnh pnr | [ ST ]
    :
    lahat
  • di•lá-na
    png | [ ST ]
    :
    iba-ibang bagay
  • dí•lang
    png
    1:
    [dilan+ng] varyant ng dílan
    2:
    [Ilk] sinag ng liwanag mula sa siwang
  • di•làng-ang•hél
    pnr | [ dilà+ng anghél ]
    :
    may katangiang magkatotoo
  • di•làng-á•so
    png | Bot | [ dilà+ng aso ]
  • di•làng-há•lo
    png | Bot | [ Hil Seb dilà+ na-hálo ]
  • dí•lang-tá•o
    png | [ ST dílan(g)-tao ]
    :
    lahat ng tao o bawat tao
  • di•làng-u•sá
    png | Bot | [ dilà+ng usa ]
    :
    yerba (Trichodesma zeylanicum) na mabalahibo, tumataas nang 30-70 sm, at bughaw ang talulot