di•li•hán 1: kawayang kinayas na karaniwang ginagamit na talián ng sahig 2: tulos na kawayan at ginagamit na baklad
di•li•hén•si•yá : kakayahan o paraan sa pagkuha ng nais matamo, gaya ng pangungutang, panghihingi, o panghihiram
dí•lis : isdang-alat (family Engraulidae) na maliliit at payat ang katawan, kara-niwang ginagawâng patis o bagoong
di•li•wá•riw 1: tuwid at makinis na palumpong (Acanthus ilicifolius) may magkapares na tinik sa ibabâ ng tangkay, at may katas na ginagamit sa paggawâ ng sabon 2: yerba (Argemone mexicana) na tuwid at mataba, lungtiang putî ang dahon, at dilaw ang bulaklak kung tag-araw
dí•los 1: kuskusing muli 2: linisin ang sugat sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig habang idinadampi nang marahan ang kamay
di•lúb•yo 1: malakíng bahâ 2: malakas na buhos ng ulan 3: matinding buhos ng papuri, papeles, at iba pang bagay