dik•si•yo•nár•yo 1: aklat na naglalamán ng mga salita ng isang wika o ng isang tanging uri ng mga salita na karani-wang inayos nang paalpabeto, may mga paliwanag ng mga kahulugan at iba pang impormasyon 2: listahan ng mga salita ng isang wika na alpabetiko ang ayos
dík•ta•dór 1: déspotá 2: pinakamaka-pangyarihang tao sa anumang larangan 3: tao na nagdidikta para sa transkripsiyon 4: sa tanghalan, tao na nagsasabi sa mga artista ng dapat sabihin
dik•ta•dú•ra 1: absolutong awtoridad sa anumang larangan 2: estadong pinamumu-nuan ng diktador 3: posisyon, pamunuan, o panahon ng panu-nungkulan ng isang diktador
dik•ta•tor•yál, dik•ta•tór•yal 1: katulad ng pamamahala ng isang diktador 2: katulad ng isang diktador 3: mapagdikta o mapag-utos
dik•yà 1: lamandagat sa class Scyphozoa na putî at halos trans-parent ang katawang tíla nakataklob na platito, at may nakakapit na mga tíla sinulid na galamay 2: naipon at maruming tubig sa tabing-dagat
di•là 1: humimod o maghimod 2: ilabas ang dila upang mang-inis, magyabang, at iba pang katulad na kilos