di•ya•mán•te 1: uri ng matigas, mahalaga, at ma-ningning na batóng mula sa karbon na ginagamit bílang pantampok sa hiyas 2: pantabas ng iba pang bató o salamin 3: sinuman o anuman na may katangiang gaya ng sa diyamante 4: hugis ng diyamante, gaya ng sa palaruan ng beysbol 5: sa baraha, pigura na may hugis ng diyamante
di•ya•mét•ro 1: tuwid na guhit na dumadaan sa gitna ng isang bilóg mula sa gilid patúngo sa katapat na gilid 2: habà ng gayong guhit 3: lapad o kapal ng isang bagay
Di•yas•kí! : bulalas na nagpapa-hiwatig ng daing, hinaing, panghi-hinayang, at iba pang kauring damdamin
di•yás•to•lé : súkat sa pagitan ng dalawang kon-traksiyon ng puso kung nagrerelaks ang kalamnan ng puso at pumapasok ang dugo sa mga chamber
di•ya•tó•ni•kó 1: gumagamit lámang ng pamanta-yang eskala na may walong tono at walang pagbabagong kromatiko 2: nakabatay ang melodiya o armonya sa eskalang ito