dock (dak) 1: daungan ng sasakyang-dagat 2: nasasarhang bahagi ng hukuman para sa akusado 3: magaspang na damo (genus Rumex) 4: may butóng bahagi ng buntot ng hayop
docket (dá•ket) 1: talàan ng mga kasong lilitisin ng nása hukuman 2: talàan ng mga kapasiyahan ng hukuman 3: talàan ng mga usaping pagpapasiyahan 4: listahan ng nilalamán ng isang pakete o dokumento
Doctrina Christiana (dok•trí•na kris•ti•yá•na) : kauna-unahang aklat na inilimbag sa Filipinas noong 1593
doctrinaire (dók•tri•néyr) : gumagamit ng anumang teorya o doktrina sa lahat ng pagkakataon nang hindi isinasaalang-alang ang mga praktikal na kalagayan