di•ya•dé•ma 1: korona o pindong na telang isinusuot bílang sagisag ng kapangyarihan 2: sinag sa ulo 3: pamputong na gawâ sa pumpon ng dahon o bulaklak
di•yag•nó•sis 1: pag-susuri at pag-aaral sa uri at dahilan, hal ng karamdaman 2: desisyon o pasiya batay sa ginawâng pagsusuri at pag-aaral
di•yá•go•nál 1: tu-matawid, gaya ng isang tuwid na guhit sa dalawang sulok na hindi magkatabí 2: may direksiyong pahilis 3: may pahilis na guhit, marka, o bahagi
di•ya•ká•tan : ternong blusa at pantalon, gawâ sa inangkat na puláng telang satin, at napapalamu-tian ng lentehuwelas
di•ya•kó•no 1: sa simbahang Episcopal, ministrong higit na mababà sa obispo at pari 2: layko na namamahala sa sekular na gawain 3: tao na hinirang bílang ministro ng kawang-gawâ, di•ya•ko•ní•sa kung babae
di•ya•lék•ti•ká 1: sining ng pagsisiyasat sa katoto-hanan ng mga kuro-kuro 2: pagsisiyasat sa kontradiksiyong metapisikal at paglutas sa mga ito
di•ya•lék•to 1: anyo ng wikang ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon 2: isa sa pangkat ng mga wikang kabílang sa isang espesipikong pamilya 3: uri ng wikang may sariling bokabularyo, bigkas, gramatika, at idyoma na kaiba sa pamantayang wika