dóg•ma 1: doktrina o sistema ng mga doktrinang pormal na iminumungkahi o itinakda ng isang simbahan o lupong relihiyoso at itinuturing na awtoritatibo 2: prinsipyo, paniniwala, o doktrina, karaniwang pormal na nakasaad at ipinalalagay na awtoritatibo
dog•ma•tís•mo : awtoritatibo at kadalasang aroganteng pamamara-an ng paghahayag ng opinyon o paniniwala
dog•ma•tís•ta 1: tao na nagpapahayag nang tiyak sa kani-yang sariling kuro-kuro 2: tao na bumabalangkas ng dogma
dogwood (dóg•wud) : pa-lumpong (genus Cornus) na may ma-tingkad na puláng sanga at lungtiang putî na bulaklak
do•hól : ang una sa tatlong kayamanang ibinibigay ng lalaki sa magulang ng asawang babae matapos ang kasal
do•kó•son : isdang-tabáng (Pelates quadrilineatus) na biluhaba ang katawan, may apat na guhit, at matinik ang likod
dó•kot•dó•kot : yerba na nabubúhay nang isang taon, 0.5-2 m ang taas, matinik at may dahon na tulis ang magkabilâng dulo, lungti ang bulaklak, at kulay kape ang butó
dok•tór 1: manggagámot2, dok•tó•ra kung babae 2: tao na may antas doktorado sa akademya 3: tao na umaa-yos ng anumang sirà