dok•trí•na 1: ang itinuturò; lawas ng instruksiyon 2: prinsipyo ng mga paniniwalang pampolitika at panrelihiyon
do•ku•men•tár•yo : pelikula o programa sa radyo o telebisyon, na nag-uulat ng matapat at historikong yugto tungkol sa mga tao, pangyayari, o pook
do•ku•men•tas•yón 1: pangangalap, pag-uuri, at pamamahagi ng mga impormasyon 2: bagay na tinipon at ipinamahagi 3: koleksiyon ng mga dokumento
do•lóng : isdang-tabáng (Mirogobius lacustris) na pahabâ ang katawan at matatagpuan lámang sa Laguna de Bay