dó•nor 1: tao na nagbibigay ng donasyon 2: tao na nagbibigay ng dugo o anumang bahagi ng kaniyang katawan 3: atom o molecule na nagbi-bigay ng pares ng elektron upang makabuo ng coordinate bond 4: atom na hindi dalisay sa semi-conductor at nagdadalá ng elektron na maaaring daluyan ng enerhiya
Don Tiburcio de Espadaña (don ti•búr•si•yó de es•pa•dán•ya) : tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina
Donya Consolacion (dón•ya kon•so• las•yón) : sa Noli Me Tangere, tauhang palaaway at asawa ng alferez
Donya Victorina (dón•ya vik•to•rí•na) : tauhan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mayamang asa-wa ni Don Tiburcio at nagpupumilit kilalanin bílang Espanyola
doodle (dú•del) 1: pagguhit nang wala sa isip o hindi nakatuon ang pansin sa iginuguhit 2: ang iginuhit sa ganitong paraan
dó•ol 1: paggawâ ng tsismis 2: hindi pagkakapantay, hal “madool na mga bundok” 3: hindi pagtupad sa kasunduan 4: pag-abala sa gumagawâ 5: pagtigil sa isang pook 6: tapón
dó•ong 1: alamáng 2: sa sinaunang lipunang Bisaya, pagdaong ng banyagang sasakyang-dagat 3: pagdadalá o pagpa-pahintulot dumaong ang sasakyang-dagat