dó•sis 1: pagbibigay ng gamot ayon sa sukat na kailangan ng maysakít 2: súkat o dami ng gamot na dapat ibigay sa bawat pagpapainom 3: kantidad ng anumang ibinigay o ibinahagi 4: dami ng radyasyong may ion na nakuha ng isang tao 5: impeksiyong venereal
dos por dos : kahoy na 5.08 sm ang kapal at lapad, karaniwang tawag sa pamalòng ginagamit sa pagpaparusa
dossier (dós•syir) : set ng mga dokumento, lalo na ang koleksiyon ng impormasyon tungkol sa tao, pangyayari, o paksa
dot (dát) 1: tuldók2,3 2: marka na nagpapakíta ng pagpapaha-bà ng tunog ng nota, rest, at staccato 3: sa Morse code, ang higit na maikli sa dalawang signal
double decker (dó•bol dé•ker) 1: anumang bagay na may dalawang deck o palapag 2: kámang may ganitong anyo
double entendre (dú•bel an•tán•dra) 1: salita o pariralang may dalawang pakahulugan 2: katatawanan na gumagamit ng ganitong mga salita at parirala
double jeopardy (dó•bol dyé•par•dí) : kalagayan na muling litisin ang isang tao dahil sa krimen na dati nang nalitis at napagpasiyahan