dró•wing 1: sining ng pagguhit ng larawan sa pamamagitan ng lapis, krayola, at katulad 2: larawang iginuhit
dru•wál : isdang-alat (family Fistulariidae) na hugis plawta ang nguso at mahabàng payát na payát ang katawan
dry cleaner (dray klí•ner) 1: tao o negosyo na nagsasagawâ ng dry cleaning 2: substance na ginagamit sa dry cleaning
dry cleaning (dray klí•ning) : paglilinis ng mga damit at iba pang produktong tela sa pamamagitan ng mga kemikal bukod pa sa tubig