drawing room (dró•wing rum) 1: silid libángan sa pribadong bahay 2: pribadong silid ng tren 3: pormal na salusalo, lalo na ng mga maharlika
dray (drey) 1: mababàng kariton na walang harang sa gilid, at ginagamit para sa mabibigat na dalahin 2: karitong may dalawang gulóng
dream (drim) 1: panagínip1 2: pangárap 3: guníguní1 4: tao o bagay na maganda at kahanga-hanga 5: kondisyon ng isip na hindi nakakikilála ng realidad
dredger (dré•dyer) 1: drága 2: bangkang may makinaryang tulad ng draga 3: sisidlang may butás-butás na takip para sa asin, arina, asukal, at iba pa
dre•ná•he 1: paraan ng pagsaid ng tubig 2: sistema ng daluyan o túbo na pansaid ng tubig, artipisyal man o likás
Drés•den 1: lungsod sa silangang Germany 2: uri ng porse-lana na may detalyadong dekorasyon, pinong kulay, at orihinal na gawâ sa Dresden
dress 1: magdamit 2: mag-gayak o maglagay ng dekorasyon sa katawan 3: gamutin ang sugat 4: gupitin o suklayin ang buhok 5: linisin at ihanda ang manok, pabo, at iba pa upang iluto 6: mag-lagay ng sarsa sa salad 7: lagyan ng abono ang haláman 8: mag-almuhasa ng kabayo 9: pakinisin ang rabaw
dresser (dré•ser) 1: tokadór1 2: tao na tumutulong sa pagbi-bihis ng mga aktor o modelo 3: katulong ng siruhano sa pagtistis
drés•sing 1: bíhis2 2: sarsa para sa salad 3: a benda ng sugat b gamot na ipinapahid sa sugat 4: pampatigas sa tela 5: abonong inilalagay sa lupa
drí•bol 1: pagpa-patalbog-talbog ng bola sa lapag hábang tumatakbo o naglalakad ang manlalarong gumagawâ nitó 2: si-pain ang bola nang mabilis at sunod-sunod, gaya ng sa soccer
drill (dril) 1: pagsasanay o pagtuturò lalo na kung kaugnay ng disiplinang pangmilitar 2: balíbol 3: mollusk (Urosal pinx cinera) na bumubútas sa talukab ng talaba 4: baboon (Mandrillus leucophaeus) na natatagpuan sa kanlurang Africa