drill index (dríl ín•deks) : set ng talim na bakal na iba-iba ang súkat at ginagamit na pambútas sa anu-mang alahas na kakabitan ng batóng hiyas
drive (drayv) 1: pagmamaneho 2: kakayahang maabot ang minimithi 3: matinding udyok na maabot ang nais at matamo ang kailangan 4: maayos na daan, hardin, o parke 5: bigla o mabilis na palò ng raketa
drive (dráyv) 1: magpatakbo o magmaneho ng sasakyan 2: pilitin; puwersahin 3: dalhin sa ibang direksiyon 4: habulin; gulatin
driver (dráy•ber) 1: tsupér 2: pamalò ng bola sa golf 3: makinaryang naghahatid ng koryente 4: programa na kumokontrol ng operasyon
dro•me•dár•yo : uri ng kamelyo (Camelus dromedarius) na may iisang umbok sa likod at matatagpuan sa Arabia at hilagang Africa
drop (drap) 1: paták 2: bagsák1,4 3: bagay na kahugis ng patak ng likido 4: taguán ng ilegal o ninakaw na gamit 5: pinakamaliit na maaaring ihiwalay na kantidad ng likido
dropper (drá•per) : kasang-kapan para sa unti-unting pagpapatak ng likido, hal pagpapatak ng gamot sa súgat o sa matá
drosophila (dra•sa•fí•la) : maliit na langaw (genus Drosopila), ginagamit sa pananaliksik dahil sa taglay na malakíng chromosome