du•há•pang 1: nakaunat nang mabuti ang katawan upang maabot ang isang bagay 2: madapa nang paharap 3: nakakiling ang kalahati ng katawan túngo sa harap
dú•hat : malakí-lakíng punongkahoy (Syzy-gium cumini) na 12 m ang taas, mara-mi kung mamulaklak at kulay pink o halos putî, may bungang 2 sm ang habà, habilog, may isang butó at maitim na lila o halos itim ang lamán at balát na nakakain
du•háy : isdang-alat (Fermio niger) na siksik ang katawan, maha-habà ang matinik na palikpik sa likod at tiyan