du•lâ 1: akdang naglalamán ng diyalogo at aksiyon ng mga tauhan, sinadya upang itanghal sa entablado 2: pagtatanghal nitó
du•láng 1: paghahanap ng anuman, lalo na ng metalikong element 2: a paghuhukay upang makakíta ng mina o inambato b batóng mineral
dú•lang 1: uri ng mababàng hapag kainan 2: batyang kahoy 3: a kasangkapan na pandurog ng lupa b kasangkapang panggiik 4: títig
du•lás 1: kadalian ng pagdaraan sa ibabaw ng isang bagay na makinis at tíla may langis 2: pagdausdos nang bigla o hindi sinasadyang pagkabuwal at pagkawala ng panim-bang 3: kilos o pangyayaring tuloy-tuloy, maginhawa, at wasto