du•kál 1: paghukay; pagpapakíta sa isang bagay sa ganitong paraan 2: pakiramdam sa tiyan na simula ng pagsúka
duk•dók 1: pagyuko nang nakasandig ang noo sa anumang bagay 2: dígdig 3: pagdikdik gaya ng gina-gawâ sa paminta
dú•ke 1: prinsipeng pinunò ng isang dukado 2: maharlikang tao na higit na mababà ang ranggo kaysa prinsipe
dú•kit 1: lílok 2: pagkuha ng anuman na nása bútas, uka, guwang, o ukit sa pamamagitan ng daliri 3: pag-sasalsal o paglaro sa sariling ari ng babae 4: salagóy
dúk•lan : palumpong na ma-tinik, tatluhan ang pilas ng dahon at sanga, kumpol ang bulaklak sa tangkay, at nahahati sa dalawang guwang ang loob ng mga bukó