dulcimer (dál•si•mér) 1: instrumentong may kahong maba-baw at nakasara, at may mga aserong kuwerdas na magkakasunod ang habà at pinapalò ng kahoy, yantok, o martilyong pang-alambre 2: kahawig na instrumento, may mga traste, at aserong kuwerdas na kinakalabit
dulcitone (dál•si•tówn) : instrumentong may mga teklado at may pantonong asero na pinatutunog ng malyete
dul•dól 1: paglalagay o paglalapit ng anuman nang pilit sa mukha o bibig 2: pag-sawsaw ng pluma sa tintero 3: pagkiskis o paglinis sa anumang dumi gamit ang malambot na eskoba 4: pagsandig sa ibang tao 5: pagkalagas ng balahibo ng manok