dang•láy 1: mga tinilad na kawayan na nagsisilbing bakod 2: tama ng bála na pahalang 3: varyant ng danláy2
dang•líw : malakí-lakíng punongkahoy (Hibiscus tiliaceus) na masanga, tumataas nang 4-12 m, makinis ang ibabaw ng dahon at mabuhok sa likod, at dilaw ang mga bulaklak
dang-ò : awiting-bayan na nagpapasalamat sa mga panauhin at humihingi ng paumanhin sa anumang pagkukulang