da•mu•rò : damo (Carum copticum) na tumataas nang 30-90 sm, putî ang bulaklak, maliit at bi-lóg ang bunga, at napagkukunan ng langis
dan 1: alinman sa sampung grado o ranggo sa judo, karate, at katulad 2: tao na nagkamit ng grado o ranggong ito
Dan 1: sa Bibliya, anak nina Jacob at Bilhah 2: sinaunang bayan sa dakong hilaga ng Canaan na pinanahanan ng tribu ni Dan
dá•nag 1: balísa1-3 2: nilaláng na tulad ng bampira o aswang 3: kilos o salita ng tao bago malagutan ng hininga
Danaids (dá•neyds) : mga babaeng anak ni Danaus na inutusang pumatay sa kanilang mga asawa sa gabi ng kanilang kasal, naparusahan sa Hades maliban sa isa na nagpatakas sa kaniyang asawa
dá•nak 1: pagdaloy o pagtulo ng napakaraming dugo, tubig, at iba pang kauri 2: lupang patag at walang burak
Dá•na•ús : hari ng Argos, na nag-utos sa kaniyang mga baba-eng anak na patayin ang kanilang mga asawa sa gabi ng kanilang kasal