da•ó : malakíng punongkahoy (Dracontomelon dao) na kumpol at salít-salít ang dahon, maliit ang pu-tîng bulaklak, at bilóg ang dilaw na bunga
da•óng 1: arka2 2: malakíng sasakyang-dagat 3: prówa 4: pagtigil ng sasakyang pantubig sa baybayin o look
da•óp 1: paglalapat ng dalawang bagay na magkahugis o magkaayon 2: pagtatagpo o pagsasalubong ng dalawang panig upang magtagisan ng lakas o talino
da•pâ 1: kamálig1 2: uri ng isdang-alat (order Pleuronectifor-mes) na nakatirá sa pusod ng dagat, parang pinitpit ang katawan, at nása isang panig lámang ang dalawang matá
da•pâ 1: humiga nang pataob 2: mabuwal nang paharap 3: ilatag ang isang bagay na mahabà sa sahig 4: sumuko; matalo 5: malugi