da•pâng-ha•bâ : maliit hanggang malakí-lakíng isdang-alat (family Cynoglossidae) na sapád ngunit bahagyang pahabâ ang katawan, walang palikpik pektoral at nakadugtong sa buntot ang mga palikpik sa likod at sa tiyan
dáp-ay 1: bahay o pook upang tulugan o pagpulungan ng kalalakíhan 2: pamilihang bayan na pinagpupulungan ng mga tao 3: sistemang pagpapangkat-pangkat
dap•dáp : punongkahoy (Erythrina indica) na matatabâ ang sanga, at malaki at pulá ang bulaklak, malaganap sa Filipinas