da•pò 1: haláman (family Orchidaceae) kara-niwang nabubúhay sa punongkahoy, may komplikadong bulaklak, kara-niwang makulay at iba-iba ang hugis, matatagpuan sa buong mundo lalo na sa kagubatang tropikal, at mámaháling halámang inaalagaan 2: paglapag o pagbabâ ng ibon at anumang may pakpak
da·póg 1: kalan na yarì sa putik o luad, may tatlong tungko, at ginagatungan ng kahoy 2: sigâ o apoy na lantad
dá•pog 1: úsok 2: makapal at maitim na usok na likha ng kahoy na basâ o nahalumigmigan 3: kata-plasma o tapal, karaniwang gawâ sa iba’t ibang uri ng dahong medisinal 4: dapúlak 5: paglalagay ng binhi o ng palay na katútubò pa lámang sa tanímang kawayan
da•pòng-la•lá•ki : malakíng pakô (Asplenium niduo) na malago, matigas, at makintab ang dahong tíla roseta
da•pòng-tu•bó : parasitikong haláman (Aegi-netia indica) na nabubúhay sa ugat ng tubó at iba pang magagaspang na damo