da•rák 1: nátiráng maliliit na butil ng palay 2: durog na ipa na ginagawâng pagkain ng baboy, kabayo, at iba pang hayop
da•rán 1: manumbalik ang sumpong 2: masiraan ng bait 3: ulit-ulitin ang pagpapakíta ng kalokuhan 4: sabihin ang salitâng hindi pina-hihintulutang sabihin
da•ráng 1: pagdadait sa bága o apoy upang maluto, matuyo, o mainitan 2: bisà ng matamang pakikiusap o paglapit na nakatutukso 3: pagpapakíta ng magaspang na ugali o pagmamalakí 4: tapá1