dash 1: pagmamadali 2: sugod o pagsugod 3: banggâ 4: maliit na kantidad na inilalahok o inihahalò 5: karera o takbuhan na mabilis at maikli, gaya ng 100 m at 200 m 6: pag-sulat o sulat na mabilis 7: gatláng1 8: sa telegrapiya, mahabà o maikling senyas na kumakatawan sa mga titik o bílang
dashboard (dásh•bord) : panel na may mga instrumentong pansukat at kontrol na nása harapan ng drayber
da•sî : pagpupunla ng palay sa isa o ilang pitak sa bukid upang palakihin at itanim muli kapag sapat na ang gulang
dá•sig 1: pagsasáma o pagdidikit ng dalawang bagay 2: paglinlang o pagpapaniwala sa isang tao hinggil sa isang maling bagay 3: pagsulong o pagkilos nang papalapit