dá•tig 1: itabí o ilapit 2: isaayos na parang isang hilera; ihanay 3: alamin ang mga kamag-anak sa ama at ina 4: habulin ang paglakad o paghakbang
da•tíng 1: pagsapit sa isang pook sa isang takdang panahon 2: pagkakataon o panahon ng pagkakaroon ng regla ng babae 3: epekto sa pandinig, paningin, pandama, o persepsiyon
dá•tos : kalipunan ng mga talâng ginagamit na batayan sa pagtiyak ng katotohanan sa anumang sasabihin o isusulat
dat•tô : kalagitnaan ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre, panahon ng pagtigil sa gawaing bukid
dá•tu 1: sa sinaunang lipunan, pinunò ng isang balangay na binu-buo ng 50 o higit pang tagasunod 2: pangalawa sa sultan sa pagkapinunò