da•yá•mi 1: nátiráng tangkay ng palay pagkatapos giikin 2: pagkakasakit matapos makakain ng bagong kanin
dá•yang-dá•yang 1: isdang-alat (Lutianus vitta) na guhitán ang katawan 2: áso na guhitan ang balát 3: pagláboy-láboy
dá•yap : uri ng sitrus (Citrus aurantifolia) na tumataas nang 2-4 m na may bilóg na maasim ang katas na bunga
dá•yap-dá•yap : punongkahoy (Canthium horridum), tumataas nang 2-5 m, mabalahibo ang sanga, lungtiang-dilaw ang bulaklak, at maasim ang bunga
da•ya•ráy 1: banayad na hangin sa tabing dagat 2: maunos na hanging mula sa hilagang kanluran 3: panghahamak nang lantaran