dag•dág : kilos o proseso ng pagsasáma ng dalawa o mahigit pang bagay o sangkap upang magdulot ng pagdami sa bílang, súkat, o halagá
dag•dág-bá•was 1: paraan ng pagdaraya kung halalan sa pamamagitan ng pagdaragdag sa mga boto ng nais manalo at pagbabawas sa mga boto ng nais matalong kandidato 2: anumang katulad na pandaraya
dá•gi-dá•gi 1: duyan na kawayan o yantok 2: pansamantalang kamilya 3: kontrapsiyon na inilalagay sa likod para sa pagbubuhat ng batà o anumang bagay na mabigat