da•gí•son 1: ípod o pag-ípod 2: paghingi ng tulong 3: pagtitipon ng mga damit na nakasampay o nakasabit 4: pagsa-sáma ng sarili sa iba para sumunod sa kanila
dá•git 1: bigla at mabilis na pagtangay mula sa itaas o hábang lumilipad 2: anumang katulad na marahas na pagkuha, gaya sa pagkuha sa isang babae upang pagsamantalahan o pakasalan
Dá•git : ritwal ng pagdagit sa luksang damit ng imahen ng Mahal na Birhen, isinasagawâ kung Pasko ng Pagkabuhay