derby (dér•bi) 1: sa Inglatera, taunang karera ng mga kabayo 2: anumang katulad na karera 3: paligsahan ng dalawang koponan mula sa iisang distrito 4: espesyal na laban, gaya ng derby sa sabong
de•re•gu•las•yón : patakaran o proseso ng pag-aalis ng mga reglamento, kontrol, at restriksi-yon, lalo na ng kontrol ng pamahalaan sa pamilihan upang pasiglahin ang kompetisyon
de•re•lík•to 1: tao na walang tahanan, hanapbuhay, o ari-arian 2: ari-ariang abandonado o pinabayaan ng may-ari
de•rét•sa 1: kánan1-2 2: uri ng larong dáma na pasulóng lámang at pagkain ng piyon ang maaaring galaw ng pitsa
de•rét•so 1: abogasyá 2: karapatán 3: mga batas 4: noong panahon ng Espanyol, uri ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan
de•ri•bas•yón 1: pag-hango o pagkuha ng isang bagay mula sa isang pinagmulan 2: ang pinagmulan ng hango 3: ang bagay na hinango, hal ang salita na hango sa isang salita