de•por•tas•yón 1: pagtatapon o pagpapalayas sa mga hindi kanais nais na dayuhan túngo sa ibang bansa 2: destiyéro2
de•po•sis•yón : sinumpaang nakasulat na pahayag ng isang saksi, ginawâ sa labas ng hukuman upang gamiting testimonya sa paglilitis
de•pó•si•tó 1: salaping inilagak sa bangko 2: anu-mang ibinigay bílang pambayad o bahagi ng kabuuang bayad 3: pinagtataguan o pinag-iimbakan ng anuman 4: likás na suson o pagkakatipon ng buhangin, bató, ginto, at katulad 5: mga bagay na naipon sa paraang natambak o itinapon