entrée (án•trey) 1: a pangunahing putahe b pagkaing isinisilbi bago ang pangunahing putahe 2: karapatan o pribelihiyong makapasok
en•tre•gá•do 1: naibigay na; isinumite na 2: naipasok na ang koleksiyon, karaniwang bayad sa tubig, ilaw, telepono, at katulad
en•tre•pán•yo : tanging bahagi o dibisyon ng kisame, pinto, dingding, at iba pa na nakukulóng sa pinakakuwadro
entrepot (án•tre•pów) 1: bodegang pansamantalang imbákan ng kalakal na ibibiyahe 2: sentrong pangkalakal para sa import at eksport
entrepreneur (án•tre•pre•núr) 1: tao na nakikipagsapalaran sa negosyo 2: kontraktor na nagsisilbing tagapamagitan 3: tao na namamahala sa negosyo
en•tré•su•wé•lo : munting palapag, karaniwang nása pagitan ng silong at ng ikalawang palapag at hindi sumasakop sa buong kalaparan ng suwelo
entropy (én•tro•pí) : súkat ng kawalan ng enerhiyang termal na maaaring baguhin upang maging mekanikal na gawain